Practicing with Paper by 53
avg1103
Saturday
Tuesday
PISTA NG NAZARENO: Opinyon
Makabuluhan ba ang pista ng Nazareno na nagaganap taon-taon? Ano ang sinasabi nito tungkol sa mga Plipino?
-Ano nga ba ang Pista ng Nazareno? Bawat Ika-9 ng Enero, ipinagdiriwan ng mga debotong Katolikong Pilipino ang Pista ng Itim na Nazareno. Ang Nuestro Padre Jesús Nazareno (Itim na Nazareno) ay isang maitim na iskulptura ni Hesus na may dalang krus. Dinala ito dati galing sa Mexico noong panahon ng galleon trade. Ito ay sumisimbolo sa pasyon at paghihirap. Sa ika-9 ng Enero, napakaraming mga debotong Pilipino ang dumadalo sa pagpaparada ng Itim na Nazareno sa mga kalye ng Quiapo. Ang mga debotong Pilipino sumusubok lumapit sa Itim na Nazareno upang magkaroon ng pagkakataon na ito'y mahawakan o maounasan ng sariling tuwalya. Naniniwala ang mga Katolikong Pilipino na ang pagsamba sa Itim na Nazareno ay nakakapagdulot ng mga magagandang kinalabasan o mga milagro. Kilala rin ang araw na ito dahil sa gulo ng napakaraming tao na nakakadulot ng mga disgrasiya, pagkamatay at mabigat na trapik.
Para sa akin, naniniwala ako na dahil sa kalagayan ng bansa natin ngayon, nawawalan na ng kabuluhan ang Pista ng Itim na Nazareno. Layunin ng pagdiriwang ito na magbigay ng mga solusyon sa ating mga problema sa pamamagitan ng mga milagro. Ang problema ay hindi nagdudulot sa Katolisismo, ngunit ang problema ay nagdudulot sa mga tao na ginagamit ang kanilang mga panalangin at pakikilahok sa mga ganitong pagdiriwang bilang palusot sa kanilang katamaran patungo sa pagresolba ng kanilang mga problema. Makikita natin sa gulo na dinudulot ng Pista ng Nazareno na maraming mga Pilipino ang desperado na magkaroon ng milagro sa kanilang mga buhay. May nabasa ako patungkol sa pananalangin at sinasabi nito na ang pananalangin ( o sa kasong ito, ang pagsamba ng Nazareno) lamang na walang halong aksyon ay parang pagpapatakbo ng kotse nang hindi naman naka kambyo ng tama kaya tumatakbo lang ang makina ngunit hindi naman umaandar ang kotse. Ang walang pananalangin naman ay parang pagpapatakbo ng kotse na wala namang gasolina, gaya ng kanina, hindi rin ito aandar. Ang kadalasang iniisip kasi ng mga tao na pagsumali ka na sa Pista ng Nazareno, tapos na ang gawain mo at nakasalalay na ang pagdating ng iyong solusyon sa pamamagitan ng isang milagro. Hindi ka naman tiyak na yayaman kung nagbibiruan ka lamang, hindi ka naman papayat kung nakahiga ka lamang at hindi rin matutupad ang iyong mga hinihiling kung nakilahok ka lang sa Pista ng Nazareno. Ang aksyon at pananalangin ay dalawang bagay na talagang magkasama.
Batay sa iyong sagot sa unang bilang, masasabi mo ba na abot kamay na ang kaunlaran para sa Pilipinas?
-Sa isang bansa katulad natin na mayroong maraming naghihirap, sa tingin na marami pa tayo kailangan baguhin upang masabi natin na abot kamay na ang kaunlaran natin. Hindi naman natin nakuha ang mga ganitong kultura ng madalian. Marami rin tayong pinagdaanan sa mga nakaraang mga siglo katulad ng pananakop ng mga ibang lahi sa atin bago tayo naging ganito. Kung ganoon katagal ang kailangan upang maging ganito tayo, mukhang matagal rin ang kailangan upang magbago tayo. Kinakailangan pa natin baguhin ang mga gawain at isipin ng bawat mamamayan. Dapat maunawaan natin na hindi lang simpleng darating ang milagro sa ating bansa dahil kinakailangan rin nating umaksyon. Kailangan maging handa ang bawat Pilipino na ibigay ang kanilang buhay para sa Pilipinas.
Ngunit, naniniwala ako na may paraan rin upang bumilis ito. Kailangan lang natin ng isang bagay na maghahatak sa lahi natin. Puwede ito maging ang impluwensya ng isang matapang na mamamayan, o ng isang grupo, o ng bagong henerasyon na handa nang lumaban para sa bansa.
Friday
MILAN (2004): Opinyon
MILAN
-
Masasabi ko na si Lino ay ang tipong tao na hindi sanay na inuutusan lang
katulad ng karamihan ng katulog. Hindi pa siya sanay sa karanasan na
pinagdadaanan ng bawat Pinoy sa ibang bansa. Hindi siya basta-bastang
nasisigawan o pinagsasabihan. Ngunit kung nais niyang ipagpatuloy ang pagiging
DH, kinakailangan niya bitawan ang mga kanyang katangian at tanggapin ang
marahas na katotohanan patungkol sa lahi niya.
2.Ilarawan si Jenny bilang isang OFW
-
Si Jenny naman ay mas sanay sa karanasan bilang domestic helper si Italy.
Mayroon na siyang ideya kung saan ang posisyon niya at ito ay sa ilalim ng mga
banyaga. Masasabi ko na kaya niya kinakayanan ang mga paghihirap na ito ay
dahil binubuhat niya lamang ang kanayang sarilling pangalan. Nakalimutan na
niya na kinakailangan niyang buhatin rin ang pangalan ng bansang Pilipinas.
3. Ano ang sinasabi ng pelikula patungkol
sa karanasan ng mga OFW.
-
Masasabi ko na may katumpakan namang ipinakita sa pelikulang ito patungkol sa
karanasan ng mga OFW sa ibang bansa. Karamihan ng mga Pilipino sa ibang bansa
ay mga katulong o DH(domestic helpers). Ang pagiging domestic helper natin ang
bumuo sa imahe ng mga ibang lahi patungo sa mga Pilipino. Dahil dito, hindi
maiiwasan ang racial discrimination. Hindi naming masama maging domestic helper
ngunit hanggang doon lang ba kayang ipakita ng mga Pilipino. Ang katotohanan
naman kasi, mababa talaga ang tingin sa domestic helper. Dumadagdag dito ang
racial discrimination dahil sa pagiging domestic helper lang tayo nakikilala.
Marahil hindi nila alam ang mga tunay na capabilidad ng mga Pinoy.
Ang
ipinakita ng pelikula na karanasan ng mga OFW sa ibang bansa ay may
katotohanan. Marami na rin akong naririnig na kwento ng maling pagtrato sa mga
Pinoy sa ibang bansa hindi lang sa Italy. Kung makita mo ang kaharasan ng mga
amo ng mga Pilipinong domestic helper, tiyak ay ikaw ay malulungkot at
magtataka, bakit nila tinitiis ang mga paghihirap na ito? Iba-iba naman ang
dahilan ng bawat OFW, ang iba ay maaaring patungkol sa pamilyang kailangan nila
buhayin at maaari rin naming nais lang nila magkaroon ng magandang buhay sa
ibang bansa.
4. Ano-anong isyu/usapin ang ipinapapakita
ng pelikula patungkol sa OFW?
-
Ang problema patungkol sa OFW ay hindi naman karamihan lahat ay may magagandang
trabaho. Nagkakaroon ng hindi kanais-nais na imahe ang Pilipinas sa bansa. Nais
ba nating makilala bilang bansa na pinagkukuhaan ng mga domestic helpers? Wala
naman masama maging OFW. Isa pang problema ay tayo, bilang mga mamamayan ng
bansang ito ay hindi gumagawa ng mga malaking aksyon upang baguhin ang pangalan
natin. Sa dami at tagal ng mga Pilipino na umaalis sa bansa upang magtrabaho sa
ibang bansa, mas tumindi ang pangit na imahe ng Pilipinas. Dahil dito, nawawala
na ng bias ang mga iyong pinag-aralan at kakayanan. Sa mata ng mga banyaga,
lahat tayo ay domestic helper lamang. Ang mga degree natin sa kolehiyo ay
binabaliwala. Pagdaating natin sa ibang bansa, tayo lahat ay pantay-pantay
lamang. Ang mundo kasi ngayon ay hindi tumitingin sa tao bilang indibidwal
ngunit bilang isang lahi. Kahit gaano ka man kagaling, dala-dala mo pa rin ang
pasaning ito.
Para
sa akin, kung naisip mo maging OFW, wag mo kakalimutan ang sarili mong lahi. Lagi
mo dapat alalanin na ikaw ay hindi lamang Overseas Worker ngunit ikaw ay isang
Overseas FILIPINO Worker. Hindi mo lang dala ang pangalan mo ngunit ang
pangalan ng bansang Pilipinas.
5. Ano ang mensahe ng pelikula? mahalaga ba
ito?
-
Ang mensahe ng pelikula ay makakadaan ka sa paghirap kung kasama mo ang iyong
tunay na minamahal. Itong pelikulang ito ay isang kwento ng pagmamahal. Ngunit
para sa akin, kinakailangan mo ng ibang “mata” upang makita ang mahalagang
mensahe. Itong mensaheng ito ay hindi mahalaga. Ito ay simpleng mensahe patungkol
sa pagmamahal na marahil, nagamit na sa iba’t ibang pelikula. Ang dahilan kung
bakit nahihirapan tayo umangat bilang isang lahi ay dahil ito ang mensahe na
napupulot natin sa pelikulang ito. Wala pa tayong tamang “mata” upang makita ang
katotohanan. Ang katotohanan ng kalagayan ng bansa natin ngayon. Para sa akin,
ang mapupulot ko sa pelikulang ito ay ang katotohanan ng imahe ng Pilipinas sa
ibang bansa. Para sa iba, maaari silang makapulot ng kasiyahan sa pelikulang
ito dahil nagkataluyan ang pagmamahal nilang dalawa. Para sa akin, sana ang napulot
natin sa pelikulang ito ay isang pasanin na binuo ng marahas na katotohanan
patungkol sa bansa natin. Isang pasanin na tutulong sa atin upang bumangon sa
hindi kanais-nais na imaheng mayroon tayo.
Wednesday
LA VISA LOCA: Opinyon
La Visa Loca (2005)
1. Anu-anong mga katangian ng mga Pilipino ang makikita sa pelikula na nagpapahiwatig ng atin pa ring pagkatali sa Amerika?
Kahit sino ang tinanong mo sa Pilipinas, lahat ay may mga pinsan o kasama na iniwan ang Pilipinas upang tumira sa Estados Unidos. Marahil masasabi nila na ito ay para sa kanilang trabaho o pag-aaral ngunit ano ba ang dahilan ng karami-raming umaalis patungo sa Estados Unidos? Ang mga Pilipino ay hangang-hanga sa kultura ng mga Amerikano. Sa wika pa lang, halos pipilitin makapag-ingles kahit baluktot naman ang tunog gaya ng "inay" ni Jess na nakatikim lang ng US, akala mo hindi na isang kapwa Pilipino kung magsalita. Tama rin ang sinabi sa radyo sa pelikula na ang mga Pilipino ay nasasanay gumamit ng mga amerikanong termino kahit may tagalog na katumbas ito.2. Anu-ano ang mga pagkakapareho ng mga Pilipino noong panahon ng mga Amerikano at ng lipunang Pilipino sa pelikula.
Sa tingin ko, ang pagkakapareho ng mga Pilipino noon ay umaasa pa rin tayo sa Estados Unidos sa araw-araw na pamumuhay. Nang nandito pa ang mga Amerikano, naka-asa tayo sa kanila trabaho, mga produkto at pamumuhay. Parang ang mga Amerikano ang may dalang sagot sa ating mga pangangailangan. Ngayong umalis na ang mga Amerikano, ang naging magandang sagot ay pumunta sa Estados Unidos kahit kinakailangan mag TNT. Ang mga produktong medikal, teknolohiya at iba pa ay maaari lamang mabili sa ibang bansa. Upang magkaroon ng magandang sweldo, kinakailangan talaga mag trabaho sa Estados Unidos. Marahil nawala na talaga ang pusong magtrabaho ng maigi upang maiangat ang sariling bansa.3. Paano ipinakita sa pelikula ang persepsyon o pagtingin ng mga banyaga sa ating bansa?
Ang pagkita ko sa pagtrato ng mga Amerikano sa mga Pilipino sa pelikula ay tayo ay isang hindi progresibong bansa. Para tayong mga katutubo na nakatira sa siyudad. Sa tingin nila na tayo ay mga walang maruruming, walang pinag-aralan na nilalang. Napakababaw ang tingin ng mga Amerikano sa atin sa punto na halos hindi na tayo nila pinapansin o karapat-dapat na makipag usap. Maihahawig ko ito sa mga ibang taong-siyudad na mababaw ang tingin sa mga taong-probinsya. Sa mata ng mga Amerikano, tayo ay mga utusan lamang o pinanggagalingan ng kasiyahan.4. Ayon sa pelikula, ano ang persepsyon o pagtingin ng mga pangkaraniwang Pilipino sa Amerika?
Sa kabaliktaran, ang tingin naman ng mga Pilipino sa Amerikano ay sila ay mga maunlad, matatalino, mayayaman at para sa iba, magaganda at gwapong mga nilalang. Sila ang mga idolo ng Pilipino. Isa sa mga pangarap ng ibang Pilipino na tayo ay maging katulad nila sa itsura, pananalita at kultura. Sa iba naman, ang pagkakaroon ng asawang Amerikano ay isang bagay na magpapabuti sa kanilang pamumuhay. Iba-iba ang pagkita ng mga tao sa mga Amerikano ngunit lahat ito ay nang-galing sa pagmangha natin sa kanila. Para sa akin, ang dahilan nito ay ang pamaraan ng pagsakop ng mga Amerikano sa atin. Mas pinili nilang amuin sa pamamagitan ng "pagtulong" upang mabigay natin ang ating tiwala sa kanila. Habang lumilipas ang panahon, nasasanay na tayo na umasa lamang sa Amerikano. Parang sila ang amo at tayo ang mga alagad.
5. Mahalaga at makatotohanan ba ang Pelikula. Ipaliwanag.
Masasabi ko na makatotohanan ang pelikula kapag pinag-uusapan ang kondisyon ng bansa at ang relasyon natin sa mga Amerikano. Base sa aking mga napanood at karanasan, ang mga pangyayari sa pelikula ay totoo hanggang ngayon. Ang maganda sa pelikula ay ginawa nila itong medyo komedya upang mas lalong maipakita ang mga punto nila. Kapag nakakapunta ako sa probinsya, madalas nakakarinig ako ng mga usapan na ang punto lamang ay pag-idolo sa mga Amerikano. Magugulat nalang ako na kapag may hinahanap akong pinsan at biglaan ko lang malalaman na umalis na pala ito sa bansa. Madalas ko ngang tinatanong ang nanay ko kung bakit wala akong nakukuhang regalo sa mga ninang ko at sinasabi niya sa akin na lahat sila ay lumipat na ng bansa. Maraming kuwento na ring ako narinig tungkol sa diskriminasyon ng mga banyaga sa atin at ang malala dito ay madalas pinapabayaan lamang. Nais kong mapanood ng mga tao itong pelikulang ito hindi lamang para maging masaya ngunit nais ko rin mapanood nila ito upang magkaroon sila ng pasanin na baguhin ang kalagayan ng bansa natin ngayon
Subscribe to:
Posts (Atom)