Tuesday

PISTA NG NAZARENO: Opinyon

Makabuluhan ba ang pista ng Nazareno na nagaganap taon-taon? Ano ang sinasabi nito tungkol sa mga Plipino?
       -Ano nga ba ang Pista ng Nazareno? Bawat Ika-9 ng Enero, ipinagdiriwan ng mga debotong Katolikong Pilipino ang Pista ng Itim na Nazareno. Ang Nuestro Padre Jesús Nazareno (Itim na Nazareno) ay isang maitim na iskulptura ni Hesus na may dalang krus. Dinala ito dati galing sa Mexico noong panahon ng galleon trade. Ito ay sumisimbolo sa pasyon at paghihirap. Sa ika-9 ng Enero, napakaraming mga debotong Pilipino ang dumadalo sa pagpaparada ng Itim na Nazareno sa mga kalye ng Quiapo. Ang mga debotong Pilipino sumusubok lumapit sa Itim na Nazareno upang magkaroon ng pagkakataon na ito'y mahawakan o maounasan ng sariling tuwalya. Naniniwala ang mga Katolikong Pilipino na ang pagsamba sa Itim na Nazareno ay nakakapagdulot ng mga magagandang kinalabasan o mga milagro. Kilala rin ang araw na ito dahil sa gulo ng napakaraming tao na nakakadulot ng mga disgrasiya, pagkamatay at mabigat na trapik.

Para sa akin, naniniwala ako na dahil sa kalagayan ng bansa natin ngayon, nawawalan na ng kabuluhan ang Pista ng Itim na Nazareno. Layunin ng pagdiriwang ito na magbigay ng mga solusyon sa ating mga problema sa pamamagitan ng mga milagro. Ang problema ay hindi nagdudulot sa Katolisismo, ngunit ang problema ay nagdudulot sa mga tao na ginagamit ang kanilang mga panalangin at pakikilahok sa mga ganitong pagdiriwang bilang palusot sa kanilang katamaran patungo sa pagresolba ng kanilang mga problema. Makikita natin sa gulo na dinudulot ng Pista ng Nazareno na maraming mga Pilipino ang desperado na magkaroon ng milagro sa kanilang mga buhay. May nabasa ako patungkol sa pananalangin at sinasabi nito na ang pananalangin ( o sa kasong ito, ang pagsamba ng Nazareno) lamang na walang halong aksyon ay parang pagpapatakbo ng kotse nang hindi naman naka kambyo ng tama kaya tumatakbo lang ang makina ngunit hindi naman umaandar ang kotse. Ang walang pananalangin naman ay parang pagpapatakbo ng kotse na wala namang gasolina, gaya ng kanina, hindi rin ito aandar. Ang kadalasang iniisip kasi ng mga tao na pagsumali ka na sa Pista ng Nazareno, tapos na ang gawain mo at nakasalalay na ang pagdating ng iyong solusyon sa pamamagitan ng isang milagro. Hindi ka naman tiyak na yayaman kung nagbibiruan ka lamang, hindi ka naman papayat kung nakahiga ka lamang at hindi rin matutupad ang iyong mga hinihiling kung nakilahok ka lang sa Pista ng Nazareno. Ang aksyon at pananalangin ay dalawang bagay na talagang magkasama.



Batay sa iyong sagot sa unang bilang, masasabi mo ba na abot kamay na ang kaunlaran para sa Pilipinas?
       -Sa isang bansa katulad natin na mayroong maraming naghihirap, sa tingin na marami pa tayo kailangan baguhin upang masabi natin na abot kamay na ang kaunlaran natin. Hindi naman natin nakuha ang mga ganitong kultura ng madalian. Marami rin tayong pinagdaanan sa mga nakaraang mga siglo katulad ng pananakop ng mga ibang lahi sa atin bago tayo naging ganito. Kung ganoon katagal ang kailangan upang maging ganito tayo, mukhang matagal rin ang kailangan upang magbago tayo. Kinakailangan pa natin baguhin ang mga gawain at isipin ng bawat mamamayan. Dapat maunawaan natin na hindi lang simpleng darating ang milagro sa ating bansa dahil kinakailangan rin nating umaksyon. Kailangan maging handa ang bawat Pilipino na ibigay ang kanilang buhay para sa Pilipinas. 

Ngunit, naniniwala ako na may paraan rin upang bumilis ito. Kailangan lang natin ng isang bagay na maghahatak sa lahi natin. Puwede ito maging ang impluwensya ng isang matapang na mamamayan, o ng isang grupo, o ng bagong henerasyon na handa nang lumaban para sa bansa.