Friday

MILAN (2004): Opinyon


MILAN



1. Ilarawan si Lino bilang isang OFW
      - Masasabi ko na si Lino ay ang tipong tao na hindi sanay na inuutusan lang katulad ng karamihan ng katulog. Hindi pa siya sanay sa karanasan na pinagdadaanan ng bawat Pinoy sa ibang bansa. Hindi siya basta-bastang nasisigawan o pinagsasabihan. Ngunit kung nais niyang ipagpatuloy ang pagiging DH, kinakailangan niya bitawan ang mga kanyang katangian at tanggapin ang marahas na katotohanan patungkol sa lahi niya.

2.Ilarawan si Jenny bilang isang OFW
      - Si Jenny naman ay mas sanay sa karanasan bilang domestic helper si Italy. Mayroon na siyang ideya kung saan ang posisyon niya at ito ay sa ilalim ng mga banyaga. Masasabi ko na kaya niya kinakayanan ang mga paghihirap na ito ay dahil binubuhat niya lamang ang kanayang sarilling pangalan. Nakalimutan na niya na kinakailangan niyang buhatin rin ang pangalan ng bansang  Pilipinas.

3. Ano ang sinasabi ng pelikula patungkol sa karanasan ng mga OFW.
      - Masasabi ko na may katumpakan namang ipinakita sa pelikulang ito patungkol sa karanasan ng mga OFW sa ibang bansa. Karamihan ng mga Pilipino sa ibang bansa ay mga katulong o DH(domestic helpers). Ang pagiging domestic helper natin ang bumuo sa imahe ng mga ibang lahi patungo sa mga Pilipino. Dahil dito, hindi maiiwasan ang racial discrimination. Hindi naming masama maging domestic helper ngunit hanggang doon lang ba kayang ipakita ng mga Pilipino. Ang katotohanan naman kasi, mababa talaga ang tingin sa domestic helper. Dumadagdag dito ang racial discrimination dahil sa pagiging domestic helper lang tayo nakikilala. Marahil hindi nila alam ang mga tunay na capabilidad ng mga Pinoy.
      Ang ipinakita ng pelikula na karanasan ng mga OFW sa ibang bansa ay may katotohanan. Marami na rin akong naririnig na kwento ng maling pagtrato sa mga Pinoy sa ibang bansa hindi lang sa Italy. Kung makita mo ang kaharasan ng mga amo ng mga Pilipinong domestic helper, tiyak ay ikaw ay malulungkot at magtataka, bakit nila tinitiis ang mga paghihirap na ito? Iba-iba naman ang dahilan ng bawat OFW, ang iba ay maaaring patungkol sa pamilyang kailangan nila buhayin at maaari rin naming nais lang nila magkaroon ng magandang buhay sa ibang bansa.

4. Ano-anong isyu/usapin ang ipinapapakita ng pelikula patungkol sa OFW?
      - Ang problema patungkol sa OFW ay hindi naman karamihan lahat ay may magagandang trabaho. Nagkakaroon ng hindi kanais-nais na imahe ang Pilipinas sa bansa. Nais ba nating makilala bilang bansa na pinagkukuhaan ng mga domestic helpers? Wala naman masama maging OFW. Isa pang problema ay tayo, bilang mga mamamayan ng bansang ito ay hindi gumagawa ng mga malaking aksyon upang baguhin ang pangalan natin. Sa dami at tagal ng mga Pilipino na umaalis sa bansa upang magtrabaho sa ibang bansa, mas tumindi ang pangit na imahe ng Pilipinas. Dahil dito, nawawala na ng bias ang mga iyong pinag-aralan at kakayanan. Sa mata ng mga banyaga, lahat tayo ay domestic helper lamang. Ang mga degree natin sa kolehiyo ay binabaliwala. Pagdaating natin sa ibang bansa, tayo lahat ay pantay-pantay lamang. Ang mundo kasi ngayon ay hindi tumitingin sa tao bilang indibidwal ngunit bilang isang lahi. Kahit gaano ka man kagaling, dala-dala mo pa rin ang pasaning ito.
      Para sa akin, kung naisip mo maging OFW, wag mo kakalimutan ang sarili mong lahi. Lagi mo dapat alalanin na ikaw ay hindi lamang Overseas Worker ngunit ikaw ay isang Overseas FILIPINO Worker. Hindi mo lang dala ang pangalan mo ngunit ang pangalan ng bansang Pilipinas.

5. Ano ang mensahe ng pelikula? mahalaga ba ito?
      - Ang mensahe ng pelikula ay makakadaan ka sa paghirap kung kasama mo ang iyong tunay na minamahal. Itong pelikulang ito ay isang kwento ng pagmamahal. Ngunit para sa akin, kinakailangan mo ng ibang “mata” upang makita ang mahalagang mensahe. Itong mensaheng ito ay hindi mahalaga. Ito ay simpleng mensahe patungkol sa pagmamahal na marahil, nagamit na sa iba’t ibang pelikula. Ang dahilan kung bakit nahihirapan tayo umangat bilang isang lahi ay dahil ito ang mensahe na napupulot natin sa pelikulang ito. Wala pa tayong tamang “mata” upang makita ang katotohanan. Ang katotohanan ng kalagayan ng bansa natin ngayon. Para sa akin, ang mapupulot ko sa pelikulang ito ay ang katotohanan ng imahe ng Pilipinas sa ibang bansa. Para sa iba, maaari silang makapulot ng kasiyahan sa pelikulang ito dahil nagkataluyan ang pagmamahal nilang dalawa. Para sa akin, sana ang napulot natin sa pelikulang ito ay isang pasanin na binuo ng marahas na katotohanan patungkol sa bansa natin. Isang pasanin na tutulong sa atin upang bumangon sa hindi kanais-nais na imaheng mayroon tayo.